• Ephesians 5:7-14 • Paglakad sa Liwanag
    Dec 18 2025
    Heto ang gusto ng Diyos na matutunan natin ngayon sa pamamagitan ng bahaging ito ng sulat ni apostol Pablo: Sa halip na tayo’y makibahagi sa mga gawain ng mga di-Kristiyano (mga gawa ng kadiliman), dapat na tayo’y ‘wag matitinag na magpatuloy na mamuhay ayon sa liwanag at maging matapang na ilantad ang mga gawa ng kadiliman sa liwanag ni Cristo.

    At para mas maging personal sa atin ang application nito, kailangang matutunan natin ang dalawang bagay: gospel-driven confession at gospel-exposing confrontation.
    Show More Show Less
    52 mins
  • Ephesians 5:1-6 • Paglakad sa Pag-ibig
    Dec 11 2025
    Ang buhay Kristiyano ay ang pamumuhay nang may paglago sa pag-ibig. Paano tayo lalago sa pagmamahal? Ang pagmamahal ng Diyos ay dapat nating tularan, at dapat ding magtulak sa atin para magpatuloy sa pagmamahal. Ang anumang karumihan ay dapat nating talikuran. Ang kaparusahan ng Diyos ay dapat nating katakutan, at dapat ding magtulak sa atin para magpatuloy sa pagmamahal. Hindi lang ito sa sarili mong paglago sa kabanalan. We have to realize na may responsibilidad tayo na tulungan ang bawat isa sa ganitong paglago.
    Show More Show Less
    58 mins
  • Hebrews 11:32-40 • Dahil sa Pananampalataya Part 4 (Marlon Santos)
    Dec 11 2025
    Ang pananampalataya ay hindi lang para sa mga victories, kundi para rin sa pagtitiis sa gitna ng hirap. Sina Gideon, Barak, Samson, Jephthah, David, Samuel, at ang mga propeta ay ginamit ng Diyos para sa extraordinary victories dahil sa pananampalataya. Marami ring dumanas ng torture, pagkakulong, at kamatayan, ngunit nanatiling tapat sa Diyos. Ang tunay na pananampalataya ay hindi nakabase sa immediate success, kundi sa eternal reward na ipinangako ng Diyos. Faith perseveres through both triumphs and trials, looking forward to God’s better promises. Kahit hindi nila natanggap ang buong katuparan sa buhay na ito, nanalig sila sa Diyos na tapat.
    Show More Show Less
    59 mins
  • 1 Timothy 3:14-16 • Ang Haligi at Saligan ng Katotohanan
    Dec 11 2025
    Ang iglesia ay tinawag na haligi at saligan ng katotohanan (1 Timoteo 3:14–16). Bilang haligi at saligan ng katotothanan, ang iglesia ang nagbabantay at nagtataguyod ng katotohanan ng ebanghelyo. Si Cristo mismo at ang kanyang ginawa sa krus para sa ating kaligtasan ang sentro ng katotohanang ito. Dahil ang pananampalataya ng iglesia ay nakaugat sa katotohanan ni Cristo, dapat natin itong ipahayag, ipagtanggol, at ipamuhay.
    Show More Show Less
    57 mins
  • Hebrews 11:23-31 • Dahil sa Pananampalataya Part 3 (Ralph Blanes)
    Dec 10 2025
    Sa sermon na ito, tinutukan ang pananampalataya bilang driving force ng mga desisyon at tagumpay ng mga lingkod ng Diyos. Faith empowers believers to make bold choices, endure trials, and experience God’s deliverance. Kahit mahirap o risky, ang pananampalataya ay nagbubunga ng pagsunod at tagumpay.
    Show More Show Less
    1 hr and 4 mins
  • Hebrews 11:8-22 • Faith that Works (Aldrin Capili)
    Dec 10 2025
    Sa sermon na ito, binigyang-diin na ang tunay na pananampalataya ay hindi lang paniniwala, kundi may kasamang pagsunod at pagtitiis. Ginamit ang Hebrews 11:8–22 para ipakita ang journey ng mga patriarchs na nagtiwala sa Diyos kahit hindi nila nakita agad ang katuparan ng kanyang mga pangako. Faith works when it obeys, endures, and looks forward to God’s promises. Kahit uncertain ang future, ang pananampalataya ay nagiging matibay dahil nakatingin ito sa Diyos na tapat.
    Show More Show Less
    1 hr and 16 mins
  • Ephesians 4:25-32 • Ang Bagong Buhay kay Cristo (Part 2)
    Nov 21 2025
    Ang maging katulad ni Cristo sa mga taong nakasakit sa atin ay hindi madali. Sa katunayan, imposible ito para sa atin. Pero dahil naranasan natin mismo ang kabutihan at kapatawaran ng Diyos kay Cristo, nagiging posible ito. Ito ang tinatawag na gospel-motivated transformation. So, ano motivation na dapat meron tayo dito? Pansinin natin kung paano inangkla ni Pablo ang exhortation na ito sa ebanghelyo: “…gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos kay Cristo.” Ganito rin natin dapat mahalin ang iba: “as Christ loved us and gave himself up for us” (Eph. 5:2). Ito ang pinaka-powerful na motivation natin sa sanctification—ang kapangyarihan ng ebanghelyo ni Jesu-Cristo. Nahihirapan tayong magpatawad at maging mabuti sa iba dahil nakakalimutan natin ang kaligtasang tinanggap natin by grace alone.
    Show More Show Less
    58 mins
  • Ephesians 4:17-24 • Ang Bagong Buhay kay Cristo (Part 1)
    Nov 21 2025
    Itinuturo sa atin ni Pablo sa vv. 17-24 ng Ephesians 4 ang ganito: Nang matutunan natin ang katotohanang nakay Cristo, nagkaroon na tayo ng bagong pagkatao; kaya dapat lang na iwanan na natin ang ating dating pamumuhay at ipamuhay ang bagong buhay na meron tayo kay Cristo. Nakilala na natin ang tamang daan. Wala na tayo sa dating daan, kaya dapat na magpatuloy tayo sa bagong daan. Ito ang bagong buhay na meron tayo kay Cristo. Ito ba ang naglalarawan ng buhay mo ngayon?
    Show More Show Less
    54 mins